Ang bail-out ay tulong pinansyal na ibinibigay ng gobyerno o central bank sa mga kumpanyang nalulugi para hindi ito magsara. Layunin nitong pigilan ang mas malawak na epekto sa ekonomiya. Halimbawa, noong bumagsak ang Bear Stearns at AIG sa U.S., binail-out sila ng gobyerno upang maiwasan ang total collapse ng financial system.