Ang Collateralized Debt Obligation o CDO ay isang uri ng investment na binubuo ng pinagsama-samang utang gaya ng mga mortgage. Ibinibenta ito ng mga investment banks sa mga investors bilang parang bonds. Kapag nagbayad ang mga may utang, kumikita ang investor. Pero kung hindi sila makabayad, bumababa ang halaga ng CDO. Noong panahon ng krisis, maraming CDO ang nabuo gamit ang subprime mortgages na mataas ang risk, kaya nang bumagsak ang housing market, naapektuhan ang mga investors at bangko na may hawak ng CDOs.