Ang purchasing power ay tumutukoy sa kakayahan ng pera na makabili ng produkto o serbisyo. Kapag mataas ang purchasing power, marami kang mabibili sa maliit na halaga. Kapag bumaba ito, kaunti na lang ang kayang bilhin ng pera mo.Ang pangunahing kalaban ng purchasing power ay inflation. Kapag tumataas ang presyo ng mga bilihin ngunit hindi tumataas ang iyong kita o sweldo, lumiliit ang halaga ng iyong pera.Halimbawa, kung dati ay kaya mong bumili ng sumusunod sa halagang ₱150 lamang2 kilo ng bigas = ₱801 lata ng sardinas = ₱20Mobile load = ₱50Ngayon, kung ang parehong items ay nagkakahalaga na ng ₱200, ang ₱150 mo ay hindi na sapat. Nabawasan ang iyong purchasing power.Sa Pilipinas, ito ay ramdam ng mga ordinaryong manggagawa tuwing may biglaang pagtaas ng presyo ng langis, pamasahe, o pagkain. Halimbawa, ang jeepney fare na ₱10 ay naging ₱14, kaya’t mas kaunti na ang natitirang pera ng estudyante o manggagawa para sa ibang gastusin.Ilang Paraan Upang Mapanatili ang Purchasing PowerTumugma ang taas ng sahod sa taas ng inflationMagkaroon ng price control sa essential goodsGamitin ng tama ang monetary at fiscal policy
Ang purchasing power ay ang kakayahan ng pera na makabili ng mga produkto o serbisyo.Kapag may inflation, tumataas ang presyo ng mga bilihin, kaya bumababa ang halaga ng pera—mas kaunti na lang ang mabibili mo sa parehong halaga ng pera. Halimbawa, kung dati ay nakakabili ka ng isang kilo ng bigas sa ₱40, pero dahil sa inflation ay naging ₱50 ito, nabawasan ang iyong purchasing power.