Ang inflation ay ang pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya sa paglipas ng panahon. Ibig sabihin, habang tumataas ang inflation, bumababa ang halaga ng pera, at mas kaunti na ang mabibili mo sa parehong halaga.Halimbawa, kung ang isang kilo ng bigas ay ₱40 noong isang taon at naging ₱50 ngayong taon, may 25% inflation sa presyo ng bigas. Kung ang sweldo mo ay hindi tumaas, mas kaunti na ang mabibili mong bigas.Sa Pilipinas, ramdam ng mga mamimili ang epekto ng inflation sa bawat araw. Isang halimbawa ay noong 2022, tumaas ang presyo ng sibuyas at itlog nang sobra, kaya't kahit ₱1,000 na budget sa palengke ay hindi na kasing dami ng nabibili gaya ng dati.Dalawang Pangunahing Sanhi ng InflationDemand-pull inflation - Kapag mataas ang demand pero kulang ang supply (halimbawa, holiday season).Cost-push inflation - Kapag tumaas ang gastos sa produksyon, tulad ng pagtaas sa presyo ng langis o kuryente.Maaari rin itong mapalala ng labis na pag-imprenta ng pera, tulad ng nangyari sa ilang bansa tulad ng Venezuela o Germany noon. Kaya’t mahalaga ang papel ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagkontrol ng inflation sa pamamagitan ng tamang monetary policy.
Ang inflation ay ang patuloy na pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo sa isang ekonomiya sa loob ng isang takdang panahon. Kapag may inflation, bumababa ang halaga ng pera—ibig sabihin, mas kaunti ang mabibili ng iyong pera kumpara sa dati.Ang inflation ay may direktang epekto sa kalidad ng pamumuhay ng mga Pilipino. Kapag mataas ito, lumiliit ang kakayahan ng bawat pamilya na matustusan ang kanilang pangangailangan. Kaya mahalaga ang tamang kaalaman, pagba-budget, at pagtutok ng gobyerno sa mga polisiyang makakatulong upang mapanatili ang presyo ng bilihinEpekto ng InflationPagtaas ng presyo ng bilihinMas mahal ang pagkain, pamasahe, gamot, kuryente, at iba pang pangunahing pangangailangan.Halimbawa - Ang bigas na dati ay P40 kada kilo, maaaring maging P50 o higit pa.Bawas sa tunay na kitaKahit hindi bumaba ang sahod, parang nababawasan ito dahil sa taas ng gastusin.Ang P500 na sahod ay mas kaunti ang mabibili ngayon kumpara sa dati.Pagbabago sa pamumuhayNapipilitang magbawas sa gastos, magtipid sa pagkain, o hindi na makabili ng ilang bagay.Maaaring maghanap ng dagdag na pagkakakitaan o mangutang.Epekto sa negosyo at trabahoTumataas ang gastos ng mga negosyo (hal. sa raw materials), kaya minsan ay nagtataas din sila ng presyo o nagbabawas ng empleyado.Posibleng tumaas ang unemployment kung humihina ang ekonomiya.Epekto sa ipon at utangBumababa ang halaga ng ipon kung hindi ito nakalagay sa investment na kayang sabayan ang inflation.Ngunit sa kabilang banda, mas madaling bayaran ang mga lumang utang kung hindi tumataas ang interest nito.