Cyclical unemployment ay isang uri ng kawalan ng trabaho na nangyayari kapag bumababa ang kabuuang demand sa ekonomiya, lalo na tuwing may krisis pang-ekonomiya o resesyon. Ito ay pana-panahon o paikot, dahil sumusunod ito sa pag-ikot ng ekonomiya — lumalala tuwing krisis at bumababa tuwing umuunlad ang ekonomiya.Ang cyclical unemployment ay may malawakang epekto sa ekonomiya at sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga mamamayan, lalo na sa panahon ng krisis tulad ng pandemya o global recession.Dahilan ng Epekto nito sa MamamayanPagkawalan ng trabahoMaraming negosyo ang napipilitang magsara o magbawas ng empleyado dahil sa mababang benta, kaya maraming mamamayan ang nawawalan ng hanapbuhay.Pagkakaroon ng kahirapanKapag walang trabaho, bumababa ang kita ng pamilya, kaya mahirap tustusan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon, at kalusugan.Pagbagsak ng kalidad ng pamumuhayAng matagal na kawalan ng trabaho ay maaaring magdulot ng stress, depresyon, at iba pang isyung mental at emosyonal.Pagbaba ng consumer spendingKapag maraming tao ang nawalan ng kita, bumababa rin ang gastusin sa merkado, na lalong nagpapabagal sa ekonomiya.Pagtaas ng pag-asa sa ayuda ng gobyernoMas maraming mamamayan ang umaasa sa tulong ng gobyerno, na maaaring magdulot ng karagdagang pasanin sa pampublikong pananalapi.
Ang cyclical unemployment ay ang uri ng kawalan ng trabaho na dulot ng paghina ng ekonomiya, lalo na sa panahon ng recession o pagbagsak ng GDP. Hindi ito nangyayari dahil kulang ang kasanayan ng manggagawa o dahil sa boluntaryong paghinto sa trabaho. Nangyayari ito kapag bumababa ang demand sa produkto o serbisyo, kaya napipilitang magbawas ng manggagawa ang mga negosyo.Isang halimbawa nito ay ang nangyari noong 2020 pandemic sa Pilipinas. Dahil sa lockdown, biglaang huminto ang operasyon ng maraming negosyo. Ang mga empleyado sa hotel, restaurant, airline, at construction ay nawalan ng trabaho hindi dahil sa kasalanan nila, kundi dahil wala nang customer o proyekto.Ito ay mapanganib dahil nagkakaroon ng domino effect.Nawalan ng trabaho si Pedro (hotel staff)Bumababa ang kanyang konsumo (wala nang pambili ng groceries, load, o gatas)Naaapektuhan ang sari-sari store, tricycle driver, at iba pang negosyo na umaasa sa kanyang paggastaDahil dito, lumalala ang sitwasyon, mas marami pang nawawalan ng trabaho, at mas bumabagsak ang ekonomiya. Tinatawag itong economic feedback loop. Kaya’t kapag may cyclical unemployment, kinakailangan ang intervention ng gobyerno tulad ng ayuda, public jobs, o stimulus upang maputol ang siklo ng paghina.