Ang trough ay ang pinakamababang punto sa business cycle—ang dulo ng contraction bago magsimula ang panibagong expansion. Sa yugtong ito, napakababa ng GDP, mataas ang unemployment, at malaki ang epekto sa kabuhayan ng mga tao.Gayunpaman, ito rin ang yugto kung saan unti-unting lumilitaw ang mga senyales ng pagbangon. Halimbawa, matapos ang epekto ng lockdown, unti-unting binuksan muli ang mga negosyo sa Pilipinas, nagsimula ang mga infrastructure projects ng gobyerno, at dumami ang hiring sa delivery at logistics sector dahil sa pag-usbong ng online shopping.Isang halimbawa ng trough ay ang buwan ng Hunyo hanggang Agosto 2020, kung saan unti-unti nang pinapayagan ang mga mall at negosyo na magbukas muli. Habang mababa pa rin ang ekonomiya sa yugtong ito, nagsisimula nang bumalik ang kumpiyansa ng mamimili at ng mga negosyo.Ang mga hakbang ng gobyerno tulad ng càsh aid at vaccination programs ay tumulong upang mapabilis ang pag-ahon mula sa trough. Kaya’t sa kabila ng kabiguan, ang trough ay simbolo rin ng panibagong pag-asa para sa ekonomiya.
Ang trough sa business cycle ay ang pinakamababang punto o yugto ng ekonomiya, kung saan ang aktibidad ng produksyon, employment, at kita ay pinakamababa bago magsimula itong bumangon muli. Sa trough, nagaganap ang recession o downturn, at pagkatapos nito ay susundan ng recovery o pag-angat ng ekonomiya. Sa madaling salita, ang trough ang phase kung saan pinakamababa ang economic performance bago mag-improve.