Ang expansion ay yugto sa business cycle kung saan ang ekonomiya ay lumalago—tumataas ang Gross Domestic Product (GDP), bumababa ang unemployment, at lumalakas ang produksyon at kita ng mga tao. Sa panahong ito, positibo ang pananaw ng mga negosyo at mamimili, kaya mas aktibo ang kalakalan at pamumuhunan.Halimbawa, noong mid-2010s, lumago ang Business Process Outsourcing (BPO) industry sa Pilipinas. Maraming mga estudyanteng bagong graduate ang madaling nakahanap ng trabaho sa call centers. Nagsimulang tumaas ang demand sa renta ng condo units sa Quezon City at Makati dahil sa pagdami ng call center agents. Lumakas din ang pagbili ng mga gadgets at pagkain sa fast food, na lalong nagpapaikot sa ekonomiya.Karaniwang layunin ng gobyerno at mga institusyon ang mapanatili ang expansion dahil ito ay panahon ng kaunlaran. Gayunman, kapag nasobrahan ito at nagdulot ng inflation o overproduction, maaaring mauwi sa contraction.
Ang expansion sa business cycle ay ang yugto kung saan tumataas ang produksyon, kita, at employment sa ekonomiya. Sa panahong ito, dumadami ang mga oportunidad sa trabaho, lumalaki ang negosyo, at tumataas ang consumer spending. Ito ang panahon ng paglago o pag-angat ng ekonomiya bago ito umabot sa peak o pinakamataas na punto.