Ang structural unemployment ay nangyayari kapag ang kasanayan ng isang manggagawa ay hindi na tugma sa kailangan ng industriya. Halimbawa, kung ang isang typewriter repairman ay nawalan ng trabaho dahil wala nang gumagamit ng typewriter, kailangan niyang mag-retrain. Marami sa mga manggagawa sa probinsya ay apektado nito kapag ang industriya ay nagsasara o lumilipat.