Ang multiplier effect ay ang ideya na ang bawat pisong ginagasta ng gobyerno ay nagdudulot ng higit sa isang pisong halaga ng aktibidad sa ekonomiya. Halimbawa, kung ang gobyerno ay nagpagawa ng tulay at nagbayad ng mga construction workers, gagamitin ng mga manggagawa ang kita nila sa pagkain, pamasahe, at iba pa, na nagpapaikot sa ekonomiya. Ang isang simpleng proyekto ay maaaring magpasigla ng maraming sektor.