Ang non-market production ay produksyon ng mga serbisyo o produkto na hindi ibinebenta sa merkado. Halimbawa, ang libreng feeding program sa paaralan o serbisyong ibinibigay ng mga NGO ay nonmarket production. Hindi ito madaling masukat dahil wala itong direktang presyo, kaya kadalasan ay sinusukat batay sa halaga ng gastusin o suweldo ng mga tauhan.