Ang Transfer Payments ay pera o benepisyong ibinibigay ng pamahalaan sa mga tao o negosyo na hindi kapalit ng anumang produkto o serbisyo. Halimbawa nito ay ang Social Amelioration Program (SAP), 4Ps, at pensiyon ng SSS. Hindi ito isinasaalang-alang sa GDP dahil wala itong kaakibat na produksyon o bagong output. Ibig sabihin, hindi ito direktang nagpapakita ng paglago ng ekonomiya, kahit may benepisyo ito sa kabuhayan ng mga tao.