Ang autonomous consumption ay ang paggastos ng sambahayan sa mga pangunahing pangangailangan kahit wala silang disposable income. Kahit walang pera, kailangang bumili ng pagkain, gamot, at magbayad ng renta. Sa panahon ng pandemya, kahit maraming nawalan ng trabaho, tuloy pa rin ang pagbili ng pagkain—ito ay halimbawa ng autonomous consumption.