Ang personal consumption expenditure ay tumutukoy sa paggastos ng mga sambahayan sa mga produkto at serbisyo tulad ng pagkain, damit, bahay, serbisyo sa ospital, at iba pa. Ito ang pinakamalaking bahagi ng GDP. Sa Pilipinas, halimbawa, kapag ang mga pamilya ay bumibili ng bigas, nagbabayad ng kuryente, o bumibili ng cellphone, bahagi ito ng personal consumption.