Ang Government Spending ay tumutukoy sa paggasta ng pamahalaan sa mga proyekto, sahod ng mga empleyado, imprastruktura tulad ng kalsada at ospital, at kagamitan gaya ng barko o eroplano ng militar. Halimbawa, kapag nagtayo ang gobyerno ng bagong kalsada sa Mindanao, bahagi ito ng government spending. Ngunit, hindi kasama dito ang transfer payments tulad ng ayuda o pensiyon, dahil hindi ito kapalit ng produkto o serbisyo. Ang government spending ay may malaking epekto sa GDP, lalo na sa panahon ng krisis, dahil kaya nitong pasiglahin ang ekonomiya kahit mahina ang sektor ng negosyo.