Ang disposable income ay ang perang natitira sa isang tao o pamilya pagkatapos ibawas ang buwis mula sa kanilang kinikita. Ito ang perang puwedeng gastusin o ipunin. Kapag mas mataas ang disposable income, mas maraming pwedeng bilhin o gastusin. Halimbawa, kung may dagdag na sahod ang isang magulang, maaari nilang bilhin ang mga kailangan ng kanilang anak sa eskwela, kaya tumataas ang konsumo.