Ang credit rating ay isang pagsusuri o grade na ibinibigay sa bansa (o kumpanya) upang ipakita kung gaano ito ka-kredible o maaasahang magbayad ng utang. Para itong report card ng isang bansa pagdating sa utang. Ang mga ahensiyang tulad ng Moody’s, Fitch, at S&P ang nagbibigay ng ratings gaya ng AAA (pinakamataas) o junk rating (pinakamababa). Kapag mataas ang credit rating, mas madali at mas mura para sa isang bansa ang umutang dahil may tiwala ang mga investor. Halimbawa, noong panahon ni Pangulong Benigno Aquino III, tumaas ang credit rating ng Pilipinas dahil sa reporma at pagdisiplina sa gastusin ng gobyerno. Ngunit sa mga panahong may krisis tulad ng pandemya, posibleng bumaba ang rating dahil sa pangangailangang umutang ng malaki.
Ang credit rating ay isang pagsusuri o marka kung gaano ka-kakatiyakan na mababayaran ng isang tao o kumpanya ang kanilang utang. Parang score kung gaano ka-responsable sa pagbayad ng pera.Halimbawa, kung si Juan ay may credit rating na mataas, ibig sabihin madalas siyang nagbabayad ng utang sa tamang oras. Kung mababa naman, madalas siyang late o hindi nakakabayad ng utang.Kumbaga, parang grado sa report card pero sa pagbayad ng utang.