Ang public sector ay bahagi ng ekonomiya na kinabibilangan ng gobyerno—mula sa lokal hanggang pambansang antas—na siyang nagbibigay ng pampublikong serbisyo at naggagastos ng pondo para sa kapakanan ng lahat. Kasama dito ang mga paaralan, ospital, pulis, bumbero, kalsada, at iba pang serbisyo na hindi direktang ginagastusan ng mga tao kada gamit, ngunit pinopondohan sa pamamagitan ng buwis. Halimbawa, ang Department of Education ay bahagi ng public sector, na naglalaan ng pondo para sa edukasyon. Sa circular flow model, ang public sector ay bumibili ng factors of production mula sa households (halimbawa, sahod ng guro), bumibili ng produkto sa firms (tulad ng mga kagamitan sa paaralan), at nagpapataw ng buwis para makalikom ng pondo.
Ang public sector ay tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na pag-aari, pinamamahalaan, at pinopondohan ng gobyerno. Kasama dito ang mga ahensya, opisina, at institusyon na naglilingkod sa publiko at nagpo-provide ng mga serbisyo para sa kapakanan ng mamamayan.Halimbawa ng Public SectorMga pampublikong paaralan at unibersidadOspital ng gobyernoPulisya at bumberoMga tanggapan ng gobyerno tulad ng LTO, BIR, at iba paMga pampublikong kalsada at transportasyon