Ang floating exchange rate ay kabaligtaran ng fixed exchange rate. Dito, hinahayaan lang ng gobyerno na ang halaga ng pera ay magbago-bago batay sa galaw ng supply at demand sa merkado. Halimbawa, kapag maraming gustong bumili ng dolyar gamit ang piso, tataas ang halaga ng dolyar kumpara sa piso. Walang eksaktong kontrol ang gobyerno kundi ina-adjust lang ang mga patakaran gaya ng interest rates. Sa ganitong sistema, nabibigyan ang mga central banks ng kakayahang unahin ang lokal na ekonomiya kaysa sa foreign exchange market. Ang Pilipinas at US ay gumagamit ng floating exchange rate system, kaya nakikita nating pabago-bago ang halaga ng piso kumpara sa dolyar.
Ang floating exchange rate ay isang uri ng sistema ng palitan ng pera kung saan ang halaga ng isang currency ay malayang naaapektuhan ng supply at demand sa foreign exchange market, walang direktang kontrol mula sa gobyerno o central bank.Unang halimbawa, kung maraming tao ang gustong bumili ng US Dollar (USD) gamit ang Philippine Peso (PHP), tataas ang halaga ng USD kumpara sa PHP.Kung kaunti ang gustong bumili ng USD, bababa ang halaga nito laban sa PHP.Pangalawang Halimbawa, ngayon, 1 USD = 56 PHP.Bukas, dahil tumaas ang demand sa USD, nagbago ito: 1 USD = 58 PHP.Ibig sabihin, ang exchange rate ay "lumulutang" batay sa kalakaran sa merkado.