Ang balance of trade ay ang pagkakaiba ng halaga ng mga produkto at serbisyo na iniluluwas (export) at inaangkat (import) ng isang bansa. Ito ang sukatan kung kumikita o nalulugi ang bansa sa kalakalan sa ibang bansa.Sa simpleng salita,Kung mas marami kang naibebenta sa ibang bansa kaysa binibili, may positive balance o surplus ka.Kung mas marami kang binibili kaysa naibebenta, may negative balance o deficit ka.
Ang balance of trade ay isang bahagi ng kalakalan ng isang bansa na sumusukat sa pagkakaiba ng halaga ng mga exports at imports sa loob ng isang takdang panahon. Kapag mas mataas ang exports kaysa sa imports, tinatawag itong trade surplus. Kapag mas mataas ang imports kaysa exports, ito naman ay trade deficit. Halimbawa, kung ang Pilipinas ay nag-export ng ₱500 bilyon na halaga ng mga produkto ngunit nag-import ng ₱600 bilyon na halaga ng produkto mula sa ibang bansa, magkakaroon tayo ng trade deficit na ₱100 bilyon. Mahalaga ang balance of trade dahil ipinapakita nito kung ang bansa ay umaasa sa ibang bansa para sa produkto, o kung nakakatulong tayo sa ekonomiya ng mundo sa pamamagitan ng pagluwas ng sariling produkto.