Ang investment risk ay ang posibilidad na malugi ka sa iyong inilagak na pera dahil bumaba ang halaga ng iyong investment. Sa mga financial markets, palaging may kasamang risk ang anumang uri ng pamumuhunan.Halimbawa, kung bumili ka ng stocks ng isang kumpanya sa halagang ₱1,000 at bumaba ang presyo nito sa ₱800, may investment risk kang naranasan na nawalan ka ng ₱200. Ito ang dahilan kung bakit kailangan munang pag-aralan ang kumpanyang iyong lalagyan ng puhunan.
Ang investment risk ay ang posibilidad na ang pera na inilagay mo sa isang investment ay maaaring mawala o bumaba ang halaga sa halip na tumaas. Ibig sabihin, may chance na hindi mo makuha ang inaasahang kita o maaaring malugi ka.Paraan ng Epekto sa Desisyon ng isang MamumuhunanNakakaapekto ito sa desisyon ng mamumuhunan dahil kailangan niyang timbangin kung gaano kalaki ang risk na kaya niyang tanggapin bago mag-invest. Kung mataas ang risk, baka mas maging maingat siya o piliin ang mas ligtas na investment kahit maliit lang ang kita. Kung kaya naman niyang tanggapin ang risk, maaaring pumili siya ng investment na posibleng mas malaki ang kita pero mas delikado.