Ang corporate bonds ay mga utang na iniisyu ng isang kumpanya para makalikom ng pera. Parang nagpapautang ang mga tao sa kumpanya, at sa hinaharap, babayaran sila ng kumpanya kasama ang interest.Ginagamit ito ng mga negosyo para magkaroon ng malaking pondo nang mabilis, lalo na kapag gusto nilang palawakin ang negosyo o bumili ng mga kagamitan, nang hindi kailangang magbenta ng bahagi ng kumpanya (shares).
Ang corporate bonds ay mga utang na iniisyu ng mga pribadong kumpanya upang makalikom ng pondo para sa capital investment. Mas mainam ito kaysa sa pangungutang sa bangko dahil kadalasan ay mas malaki ang halagang nakokolekta at hindi kailangan ibahagi ang pagmamay-ari ng negosyo.Halimbawa, kung ang isang kumpanya sa Pilipinas ay gustong bumili ng bagong equipment pero ayaw humiram sa bangko, maaari itong magbenta ng corporate bonds. Ang investors ay bibili nito kapalit ng tubo at tiyak na bayad sa maturity.