Ang bond market ay isang lugar kung saan nagbebenta at bumibili ng bonds o utang ang mga tao, kumpanya, at gobyerno. Sa simpleng salita, ang bond market ay parang isang pamilihan ng utang kung saan ang mga bonds ay pinagbibili-bili para kumita o pondohan ang mga proyekto.Paano ito Gumagana?Kapag may kailangan ng pera ang isang kumpanya o gobyerno, nag-iissue sila ng bonds. Parang ito ay promissory note na nangangako silang babayaran ang utang sa takdang panahon kasama ang interes.Ang mga investors o buyers ang bumibili ng bonds para magkaroon sila ng kita mula sa interes.Sa bond market, pwedeng ibenta o bilhin ang bonds kahit bago pa matapos ang takdang panahon.Ang presyo ng bonds ay nagbabago depende sa interes rates at demand sa market.
Ang bond market ay isang pamilihan kung saan maaaring magpautang ang mga tao o institusyon sa gobyerno o pribadong kumpanya kapalit ng pangakong bayaran sila sa takdang panahon kasama ang interes. Kapag bumili ka ng bond, parang nagpahiram ka ng pera. May dalawang bahagi ito: ang principal (ang mismong halaga na pinahiram) at ang interest o tubo.Halimbawa, kung ang isang korporasyon sa Pilipinas ay gustong palakihin ang negosyo nito, maaari itong mag-issue ng corporate bonds na maaaring bilhin ng bangko o investor. Sa ganitong paraan, nakakapag-ipon sila ng malalaking pondo na hindi kailangang bayaran agad.