Ang liquidity premium ay ang karagdagang interes na ibinabayad sa mamumuhunan bilang kabayaran sa panganib o abala sa hindi agarang pagbenta o pagkakambyo ng isang asset sa cash.Kung mas mahirap ibenta ang isang investment, mas mataas ang liquidity premium na hinihingi ng mamumuhunan bilang kompensasyon. Halimbawa, kung may bond ka na hindi madaling ibenta o walang masyadong demand sa secondary market, maaaring humiling ang mamumuhunan ng mas mataas na interest bago ito bilhin.Sa Pilipinas, ang mga corporate bonds na hindi actively traded ay may mas mataas na liquidity premium kumpara sa government bonds tulad ng Treasury bonds, na itinuturing na highly liquid. Dahil maraming gustong bumili ng government bonds, madaling ibenta ang mga ito kahit bago pa ang maturity date.Ang konseptong ito ay makikita rin sa real estate: ang pagbenta ng bahay ay nangangailangan ng maraming dokumento at panahon, kaya’t may mas mataas na return na hinihingi ang investor upang tanggapin ang risk ng mabagal na liquidity.Para sa mga estudyante, ang liquidity premium ay nagpapakita na mas mahalaga ang kakayahang gamitin agad ang pera sa ilang sitwasyon, lalo na kung may biglaang pangangailangan.
Ang liquidity premium ay dagdag na interes na hinihingi ng mga mamumuhunan (investors) kapalit ng paglalagay ng pera nila sa mas matagal na investment na mas mahirap ibenta agad o gawing càsh.Halimbawa,Kapag mas mahaba ang panahon ng investment (hal. 10 taon), mas risky ito kumpara sa maikling panahon (hal. 1 taon), kasi pwedeng magbago ang ekonomiya o interest rates.Dahil dito, gusto ng investors na mas mataas na interest rate para sa long-term investment bilang "premium" o dagdag-bayad sa risk at kakulangan ng liquidity (kakayahang gawing càsh agad).Paraan ng Pagkita nito sa Interest RatesKung ikukumpara mo ang interest rate ng short-term at long-term bonds, mapapansin mong mas mataas ang interest rate ng long-term bonds — at bahagi nito ay dahil sa liquidity premium.Halimbawa,1-year bond interest rate - 3%10-year bond interest rate - 5%'Yung 2% na dagdag ay partly dahil sa liquidity premium.