Ang bond market ay isang pamilihan kung saan ang mga pamahalaan at kompanya ay maaaring manghiram ng pera mula sa mga mamumuhunan sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga “bond” o utang. Kapalit ng perang ibinigay ng mamumuhunan, nangangako ang naglabas ng bond (issuer) na ibabalik ang puhunan (principal) sa takdang panahon at magbabayad ng interes (coupon).Ang pagkakaiba nito sa stock market ay sa stock, ikaw ay nagiging may-ari ng bahagi ng kumpanya, samantalang sa bond, ikaw ay nagpapautang lamang sa kumpanya o pamahalaan.Halimbawa, kung ang gobyerno ng Pilipinas ay gustong magtayo ng bagong highway pero kulang sa pondo, maaari itong maglabas ng government bonds. Ang mga mamumuhunan, gaya ng mga bangko at insurance companies, ay bibili ng bonds, at sa takdang panahon, ibabalik ng gobyerno ang halaga ng bond kasama ang interes.Sa parehong paraan, ang mga kompanya tulad ng Ayala Corp. o San Miguel Corporation ay maaaring maglabas ng corporate bonds upang pondohan ang pagpapalawak ng kanilang negosyo. Ang bond market ay mahalagang bahagi ng ekonomiya dahil ito ay murang paraan ng pagpopondo para sa malalaking proyekto.
Ang bond market ay isang lugar kung saan ipinagbibili at binibili ang mga utang o bond na inilabas ng gobyerno o kumpanya upang mangalap ng pondo. Sa bond market, ang mga investors ay nagpapahiram ng pera kapalit ng interes sa takdang panahon.Samantalang ang stock market ay isang pamilihan kung saan ipinagbibili at binibili ang mga bahagi o shares ng pagmamay-ari sa isang kumpanya.PagkakaibaSa bond market, utang ang binibili at may fixed na kita (interest).Sa stock market, pagmamay-ari ang binibili at ang kita ay depende sa tubo o pagtaas ng halaga ng shares.