Ang supply and demand ay pangunahing prinsipyo sa ekonomiks na nagsasabi kung paano nabubuo ang presyo sa pamilihan. Ang demand ay ang dami ng produkto na gustong bilhin ng tao sa isang presyo, habang ang supply ay ang dami ng produkto na kayang ibenta ng prodyuser sa parehong presyo.Kapag tag-ulan at kaunti ang supply ng gulay sa Benguet, pero marami pa ring gustong bumili, tumataas ang presyo. Pero kapag maraming ani at kakaunti ang bumibili, bumababa ang presyo. Ganito gumagana ang supply at demand.
Ang supply at demand ay dalawang pangunahing konsepto sa ekonomiya na tumutukoy sa ugnayan ng dami ng produkto na available (supply) at ang dami ng gusto ng tao na bilhin (demand).Ibigsabihin,Supply (Suplay) – Dami ng produkto o serbisyo na handang ibenta ng mga producer sa isang presyo.Demand (Pangangailangan) – Dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mga tao sa isang presyo.Mataas na demand + mababang supply = mataas na presyoMababang demand + mataas na supply = mababang presyoHalimbawa 1 (Ice cream sa Tag-init)Demand - Mainit ang panahon, maraming gustong bumili ng ice cream.Supply - Kung kaunti lang ang tindang ice cream, tataas ang presyo dahil mataas ang demand.Kung dumami ang nagbebenta ng ice cream, bababa ang presyo dahil mataas na ang supply.Halimbawa 2 (Facemask noong Pandemya)Demand - Tumataas dahil lahat gustong bumili para sa proteksyon.Supply - Sa simula, kaunti lang ang suplay kaya tumaas ang presyo.Nang dumami ang supply, bumaba ang presyo.