Ang oligopoly ay isang merkado na pinangungunahan ng iilang malalaking kumpanya. May kontrol sila sa presyo at madalas ay nagbabantayan sa isa’t isa. Mataas ang barrier sa pagpasok sa industriya.Ang industriya ng telco sa Pilipinas—Smart, Globe, at DITO—ay halimbawa ng oligopoly. Iilang kumpanya lang ang may kakayahang magtayo ng napakalaking imprastruktura para sa signal at internet, kaya hindi madaling pumasok ang iba.
Ang oligopoly ay isang uri ng pamilihan kung saan kaunti lamang ang mga kompanyang nagbebenta ng produkto o serbisyo, at bawat isa ay may malaking impluwensiya sa presyo at galaw ng merkado. Karaniwan, magkakatulad o magkakapalit ang mga produkto nila, at minsan nagkakaroon ng kompetisyon o sabwatan sa presyo.Halimbawa ng Oligopoly sa PilipinasTelecommunication companiesGlobe, Smart, at DITOSila lang ang pangunahing nagbibigay ng mobile at internet services sa bansa.Oil companiesPetron, Shell, at CaltexKonti lang sila pero kontrolado nila ang presyo at suplay ng gasolina.Airline companiesCebu Pacific at Philippine Airlines (PAL)Dalawa lang ang pangunahing airline companies na nag-aalok ng domestic at international flights.