Ang marginal cost ay ang karagdagang gastos sa paggawa ng isang dagdag na yunit ng produkto. Sa madaling salita, ito ang dagdag na gastos kapag nagdagdag ka ng isang produkto sa iyong produksyon.Halimbawa, kung ikaw ay nagluluto ng banana cue sa bahay at ang gastos mo sa unang 10 piraso ay ₱200, tapos kapag gumawa ka ng pang-11 ay naging ₱220 ang total cost mo, ibig sabihin ang marginal cost ng pang-11 banana cue ay ₱20. Mahalaga ito para malaman kung sulit pa bang magdagdag ng produkto.
Ang marginal cost ay ang dagdag na gastos kapag gumawa ka ng isang karagdagang unit ng produkto o serbisyo.Halimbawa,Kung gumagawa ka ng 10 tsinelas at gumastos ka ng 1,000 pesos, tapos gumawa ka pa ng isa pang tsinelas at gumastos ng dagdag na 100 pesos, ang marginal cost ng dagdag na tsinelas ay 100 pesos.Sa pagprito ng 5 itlog, kung kailangan mong gumastos ng 50 pesos, tapos magprito ka pa ng isang itlog at gumastos ng dagdag na 10 pesos, ang marginal cost ng dagdag na itlog ay 10 pesos.