HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Economics / Senior High School | 2025-05-21

Ano ang ibig sabihin ng cartel? Magbigay ng halimbawa.

Asked by RoseJade8720

Answer (2)

Ang cartel ay isang grupo ng mga kumpanya o bansa na nagkakasundong limitahan ang produksyon o itaas ang presyo para kumita nang malaki. Ginagawa nila ito sa halip na magkompetensiya. Tandaan na ang cartel ay hindi laging tumutukoy sa mga mob, mafia, gangs, o masasamang sindikato.Ang OPEC (Organization of Petroleum Exporting Countries) ay isang pandaigdigang cartel. Kapag bumaba ang presyo ng langis, nagkakasundo silang bawasan ang produksyon para tumaas muli ang presyo. Apektado rin ang Pilipinas kapag tumaas ang presyo ng imported na langis.

Answered by MaximoRykei | 2025-05-22

Ang cartel ay isang grupo ng mga negosyo o kumpanya na nagkakasundo para kontrolin ang presyo, produksyon, o distribusyon ng isang produkto o serbisyo para kumita ng mas malaki, at para maiwasan ang kompetisyon sa pagitan nila.Halimbawa,Sa industriya ng langis, may mga kumpanya na nagkakasundo para hindi bumaba ang presyo ng langis sa merkado. Sila ay bahagi ng isang cartel para mapanatili ang mataas na kita.

Answered by CloudyClothy | 2025-05-22