HotelInfantesAgres - Bawat tanong, may sagot. Logo

In Economics / Senior High School | 2025-05-21

Ano ang ibig sabihin ng subsidy? Magbigay ng isang halimbawa nito sa Pilipinas.

Asked by yhurieonna5467

Answer (2)

Ang subsidy ay tulong pinansyal na ibinibigay ng gobyerno sa mga tao o negosyo upang mapababa ang presyo ng mga produkto o serbisyo at matulungan ang mamamayan.Sa Pilipinas, ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang uri ng subsidy kung saan nagbibigay ang gobyerno ng buwanang tulong pinansyal sa mga mahihirap na pamilya kapalit ng pag-aaral ng kanilang mga anak at pagpunta sa health center. Ibigsabihin, ito ay tulong ng gobyerno para makatipid o makabawi ang tao sa gastusin.

Answered by CloudyClothy | 2025-05-22

Ang subsidy ay tulong pinansyal o insentibo mula sa pamahalaan na ibinibigay sa mga industriya, magsasaka, negosyo, o mamimili upang pababain ang gastos o itaas ang produksyon. Layunin nito ang hikayatin ang produksyon ng mga mahahalagang produkto.Sa Pilipinas, may rice subsidy na ibinibigay sa mga benepisyaryo ng 4Ps upang masigurong may pagkain sila. Mayroon ding mga fertilizer subsidy na ibinibigay sa mga magsasaka para mas mapalago ang produksyon sa mga panahong mataas ang gastos sa inputs.

Answered by MaximoRykei | 2025-05-22