Ang negative returns ay nangyayari kapag ang pagdaragdag ng input ay hindi na nakadadagdag sa output, kundi bumababa pa ito. Mas maraming gumagawa, pero mas konti ang natatapos—isang senyales ng sobrang input.Kunwari ay sa isang maliit na kitchen ay may 10 kataong nagluluto ng kakanin at nagsisiksikan na, mababawasan ang galaw at productivity. Maaaring mas madalas ang aksidente, tagal ng pagluluto, at doble-dobleng trabaho. Sa ganitong kaso, bumababa ang kabuuang produksyon.
Ang negative returns sa produksyon ay ang sitwasyon kung saan kapag nadagdagan pa ang input o paggamit ng resources, ang output o produksyon ay bumababa o lumiliit na kaysa dati. Ibig sabihin, sa halip na tumaas ang produksyon, bumababa ito kahit na nadagdagan ang ginamit na inputs.Karaniwan itong nangyayari kapag sobra na ang paggamit ng isang input at hindi na ito nagdudulot ng positibong dagdag na output, kundi nagiging sanhi pa ng inefficiency o pagkalugi.