Ang public goods ay mga produkto o serbisyong ibinibigay ng pamahalaan na para sa kapakinabangan ng lahat. Hindi maaaring pagbawalan ang sinuman sa paggamit nito (non-excludable), at ang paggamit ng isa ay hindi nakababawas sa paggamit ng iba (non-rival).Halimbawa, ang streetlights sa mga kalsada sa Taguig ay public good. Hindi maaaring sabihing “ikaw lang ang may karapatang makinabang sa liwanag.” Ganoon din ang mga sirenang pan-sunog o mga babala sa lindol—pantay-pantay ang access ng lahat, mayaman man o mahirap.
Public goods ay mga bagay o serbisyo na lahat ay maaaring makinabang at hindi maaaring ipagkait sa iba, kahit hindi sila nagbayad. Ito ay mga bagay na kapag ginawa para sa isa, nagagamit din ng iba nang hindi nababawasan. Public goods ay mahalaga at kadalasang pinopondohan ng gobyerno.Halimbawa,Street lights (ilaw sa kalsada) – Lahat ng dumadaan ay nakakakita, hindi lang yung nagbayad ng buwis.Clean air (malinis na hangin) – Hindi mo mapipigilan ang ibang tao sa paghinga nito.Public park (pampublikong parke) – Puwedeng puntahan ng lahat, libre.