Ang elasticity of demand (o elastisidad ng demand sa Filipino) ay isang konsepto sa ekonomiks na sumusukat kung gaano karami ang nagbabago sa dami ng produkto o serbisyo na hinahanap ng mga mamimili kapag nagbabago ang presyo nito. Ito rin ay sumusukat kung gaano kasensitibo ang mga mamimili sa pagbabago ng presyo ng isang produkto.Uri ng ElastisidadElastic demand – Malaki ang pagbabago sa quantity demanded kahit kaunting pagbabago lang sa presyo. Halimbawa - Mga luho gaya ng branded na sapatos.Inelastic demand – Maliit lang ang pagbabago sa quantity demanded kahit tumaas o bumaba ang presyo. Halimbawa - Mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas o gamot.Unitary elastic – Ang porsyento ng pagbabago sa demand ay katumbas ng porsyento ng pagbabago sa presyo.Halimbawa,Kung tumaas ang presyo ng gatas mula ₱50 hanggang ₱60, at bumaba ang demand mula 100 bote hanggang 80 bote, ibig sabihin may elasticity ang demand sa gatas.
Ang elasticity of demand ay sumusukat kung gaano kasensitibo ang dami ng demand sa isang produkto kapag may pagbabago sa presyo. Kapag malaki ang pagbabago sa demand kahit maliit lang ang pagbabago sa presyo, ito ay tinatawag na elastic. Kapag maliit ang pagbabago sa demand kahit malaki ang pagbabago sa presyo, ito ay inelastic.Halimbawa, kung tumaas ang presyo ng tsitsirya mula ₱10 hanggang ₱15 at maraming estudyante ang tumigil sa pagbili, elastic ang demand. Ngunit kung tumaas ang presyo ng gamot para sa hika at patuloy pa ring bumibili ang mga pasyente, inelastic ang demand dahil mahalaga ito sa kanilang kalusugan.