Ang sovereign wealth fund (SWF) ay isang espesyal na pondo na pag-aari ng estado na naglalayong palaguin ang sobrang kita ng gobyerno sa pamamagitan ng pamumuhunan. Karaniwan itong nagmumula sa likas na yaman, remittances, o budget surplus.Halimbawa, ang Maharlika Investment Fund sa Pilipinas ay inisyatibong lumikha ng ganitong SWF na ipupuhunan sa malalaking proyekto gaya ng infrastructure, energy, at teknolohiya. Ang pagkakaiba nito sa regular na budget ay ito ay para sa investment at kita, hindi para sa operational na gastusin gaya ng suweldo o ayuda.Ngunit kailangan itong maging transparent at may maayos na pamamahala upang hindi maabuso. Ang Maharlika Investment Fund ay humakot ng batikos at kontrobersya dahil sa pangalan at reputasyon ng mga pulitikong nagsusulong at pumirma rito.Isa sa pinakatanyag na halimbawa ng korupsiyon sa sovereign wealth fund ay ang kaso ng 1MDB (1Malaysia Development Berhad) sa Malaysia. Ang fund na ito ay nilikha upang palaguin ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng mga strategic investments, ngunit nauwi ito sa malawakang pandarambong. Ayon sa mga imbestigasyon, humigit-kumulang $4.5 bilyong dolyar ang ninakaw mula sa pondo ng mga opisyal ng gobyerno, kasama na si dating Prime Minister Najib Razak, na nahatulan ng pagkakakulong. Ang pondo ay ginamit sa pagbili ng mamahaling ari-arian, luxury goods, at sa pagpopondo ng pelikulang “The Wolf of Wall Street.”Isa pang halimbawa ay ang sovereign wealth fund ng Equatorial Guinea, na ginamit ng pamilya ng dating pangulo na si Teodoro Obiang upang bilhin ang mga pribadong jet, sports cars, at mansyon sa Europa at Amerika. Sa halip na gamitin para sa edukasyon, kalusugan, at imprastruktura, ang kita mula sa langis ng bansa ay napunta sa personal na luho ng iilang nasa kapangyarihan. Dahil dito, nananatiling isa sa mga pinakamahirap na bansa sa Africa ang Equatorial Guinea, sa kabila ng malaking kita mula sa natural resources. Ang mga kasong ito ay nagpapakita ng panganib ng kawalan ng transparency at accountability sa pamamahala ng sovereign wealth funds.
Ang pangunahing pagkakaiba ay ito: ang sovereign wealth fund ay nakatuon sa pagpapalago ng yaman sa pamamagitan ng investments, habang ang regular na pondo ng gobyerno ay nakatuon sa pagpopondo ng kasalukuyang gastusin ng estado.Sovereign Wealth FundAng sovereign wealth fund ay isang espesyal na pondo na pagmamay-ari ng gobyerno, na nilikha upang i-invest ang sobrang yaman ng bansa—karaniwan mula sa natural resources tulad ng langis, o mula sa foreign exchange reserves.Layunin nitong palaguin ang kita ng estado sa pamamagitan ng paglalagay ng pera sa mga investment tulad ng stocks, bonds, real estate, at iba pa. Isa itong long-term fund para sa kinabukasan ng bansa, gaya ng pagpopondo sa mga malalaking proyekto o pagtugon sa krisis sa ekonomiya sa hinaharap.Regular na PondoSamantalang ang regular na pondo ng gobyerno ay ginagamit para sa pang-araw-araw na gastusin ng pamahalaan. Dito kinukuha ang pambayad sa suweldo ng mga empleyado ng gobyerno, pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, kalsada, at iba pang serbisyo publiko. Ang pondo nito ay karaniwang galing sa buwis at utang.