5 Gawain sa Paghahanda sa Epekto ng Kalamidad1. Paghahanda ng Go-Bag o Emergency KitHalimbawa - Gumagawa kami ng emergency bag na may lamang flashlight, batteries, de-latang pagkain, tubig, gamot, first-aid kit, at mga importanteng dokumento. Inilalagay namin ito sa lugar na madaling kuhanin kapag may lindol o bagyo.2. Pakikinig sa Balita o Pagmomonitor ng PanahonHalimbawa - Araw-araw kaming nanonood ng balita o nagmo-monitor sa radyo at social media para sa weather updates lalo na kung may paparating na bagyo o lindol upang makapaghanda nang maaga.3. Pag-aayos ng mga Kagamitang PanligtasHalimbawa - Tinitiyak naming laging maayos ang aming bubong, alulod, at mga bintana upang hindi ito madaling masira kapag may malakas na ulan o hangin. Inaayos din namin ang mga saksakan upang makaiwas sa sunog.4. Pagsasagawa ng Earthquake DrillHalimbawa - Tuwing may libreng oras, tinuturuan kami ni Nanay kung paano mag-"duck, cover, and hold" para alam namin ang gagawin sakaling lumindol habang nasa loob ng bahay.5. Pag-iimbak ng Sapat na Pagkain at TubigHalimbawa - Tuwing may anunsyo na paparating ang bagyo, bumibili si Tatay ng extrang pagkain, tubig, at gasul para siguradong may laman ang aming kusina kahit mawalan ng kuryente o mahirapang lumabas ng bahay.