Bago ang KalamidadPaghahanda ng Go Bag – May laman na pagkain, tubig, flashlight, baterya, gamot, importanteng dokumento, at first aid kit.Pagsasanay at Kaalaman – Pagsali sa mga earthquake drill, fire drill, o disaster preparedness seminar.Pagmomonitor ng Balita – Pagsubaybay sa ulat ng panahon at babala ng PAGASA, PHIVOLCS, o NDRRMC.Pagpapalakas ng Bahay – Pag-aayos ng mga sira sa bahay gaya ng bubong at poste.Pagplano ng Evacuation Plan – Pagtukoy ng ligtas na lugar at daan patungo sa evacuation center.Habang Nagaganap ang KalamidadPanatiling Kalma – Huwag mag-panic; sundin ang mga itinuturo sa drills.Pagtungo sa Ligtas na Lugar – Halimbawa, sa ilalim ng matibay na mesa (lindol) o mataas na lugar (baha).Pagsunod sa Awtoridad – Makinig sa utos ng barangay o LGU kung kinakailangang lumikas.Pag-iwas sa Panganib – Huwag lumapit sa baha, landslide area, o gumuhong gusali.Pagkatapos ng KalamidadPagpapatuloy ng Komunikasyon – Pakikipag-ugnayan sa pamilya at awtoridad.Paglilinis at Pagtulong – Pagtulong sa paglilinis at pagkukumpuni ng nasira.Pag-uulat ng Sitwasyon – Pagsabi sa mga awtoridad ng nasaksihang pinsala o nawawalang tao.Pagpapasuri ng Kalagayan – Pagpapatingin kung may sugat o sakit.Pagbangon – Pagtutulungan ng komunidad upang makabawi mula sa pinsala.