Bago ang KalamidadPaghahanda – Mahalaga ang maagang paghahanda tulad ng pagbuo ng emergency plan, paghahanda ng go-bag na may lamang pagkain, tubig, flashlight, baterya, gamot, at importanteng dokumento.Pag-alam sa impormasyon – Kailangang alam ang mga babala at anunsyo mula sa gobyerno o mga ahensya gaya ng PAGASA o NDRRMC.Pagsasanay – Mainam na magkaroon ng drills sa paaralan o bahay upang alam ng bawat isa ang gagawin kapag may sakuna.Habang may KalamidadManatiling kalmado – Ang pagiging kalmado ay nakatutulong para makapag-isip ng maayos.Sumunod sa mga awtoridad – Makinig sa mga anunsyo sa radyo o TV at sundin ang mga utos ng barangay o lokal na pamahalaan.Maghanap ng ligtas na lugar – Lumayo sa mapanganib na lugar tulad ng ilog, bundok o mga istrukturang maaaring gumuho.