Ang pisikal na aspeto ng pagiging isang ina ay naipapamalas sa:Kaniyang paraan ng pag-aalaga sa kalusugan ng anakKaniyang pagpapakain, pagpapatulog at pag-aaruga araw-araw. Kinakailangan ito ng matinding pagtitiis at pagmamahal na siyang natural lamanng na naipapakita ng isang ina.Kaniyang pagiging mapagsakripisyo. Bagaman nasa layon na ng tao na alagaan ang sarili niya, ang isang ina ay di-matatawaran pagdating sa pagiging handa sa pagsasakripisyo ng kaniyang katawan at kalusugan gaya ng pagpupuyat at pagkarga nang mahabang oras sa kaniyang sanggol.Kaniyang pagiging matibay na haligi sa tahanan. Bagaman ang mga babae, kasama na ang mga ina, ay emosyonal, kasama sa pisikal na aspeto ng pagiging isang ina ay ang pagiging handang maging sandalan ng kanilang pamilya kahit sa mga panahong siya mismo ay nanghihina.Ang lahat ng ito ay bahagi ng walang sawang pagmamahal ng isang ina. [tex] \: [/tex]