Ginamit namin ang pagbaling ng atensyon sa pamamagitan ng pag-alok ng mas kapaki-pakinabang na gawain sa tuwing ang bata ay may masamang ugali o ayaw sumunod.Halimbawa: Kapag nagta-tantrums ang bata, hinikayat namin siyang gumuhit o manood ng educational video. Sa halip na pagalitan, binibigyan namin siya ng mas positibong aktibidad. Dahil dito, natututo siyang kontrolin ang damdamin at pumili ng mas maayos na kilos.