Ang assumption ay isang palagay na ginagawa ng mga ekonomista upang mapadali ang pagsusuri at paggawa ng mga modelo sa ekonomiya. Dahil komplikado ang tunay na mundo, gumagamit sila ng mga simpleng palagay upang mas maintindihan ang ugnayan ng mga salik sa ekonomiya.Halimbawa, isa sa mga assumption ay ang paniniwala na ang mga tao ay rational o makatuwiran. Sa tunay na buhay, hindi palaging ganito, pero ang assumption na ito ay nakakatulong para masuri kung paano tayo gumagawa ng desisyon base sa benepisyo at gastos. Ginagamit din ito sa pag-aaral ng mga patakarang pampubliko tulad ng pagbawas ng buwis o pagtaas ng sahod.