Ang capital requirements ay minimum na dami ng puhunan o kapital na dapat itabi ng bangko ayon sa regulasyon ng Bangko Sentral. Layunin nito na masigurado na may sapat na puhunan ang bangko para masagip ang sarili nito kung sakaling maraming loan ang hindi mabayaran.Halimbawa, kung maraming pautang ang hindi nabayaran ng sabay-sabay, puwedeng maubos ang reserves ng bangko. Ngunit kung may sapat na kapital ito, hindi agad ito malulugi o magsasara. Noong 2008 financial crisis, maraming bangko sa mundo ang nagsara dahil sa kakulangan sa kapital.Sa Pilipinas, ang capital requirements ay isang mahalagang bahagi ng regulasyon upang panatilihin ang katatagan ng banking sector.