Ang excess reserves ay ang perang hawak ng bangko na higit pa sa kanilang required reserves. Ito ay maaaring gamitin ng bangko sa pagpapautang o pamumuhunan upang kumita ng interes o tubo.Halimbawa, kung ang isang bangko ay may ₱1 milyon na deposito at ang required reserve ay ₱100,000, ang natitirang ₱900,000 ay maaaring ipautang sa mga negosyante, mamimili, o ibang bangko.Ang paggamit ng excess reserves sa pagpapautang ay nagpapalago ng ekonomiya dahil tumutulong ito sa negosyo, trabaho, at konsumo. Ngunit kung sobrang dami ng pagpapautang, maaaring magresulta sa inflation. Kaya’t may papel ang central bank sa pag-monitor nito.