Ang balance sheet ay isang financial statement na nagpapakita ng kabuuang larawan ng pag-aari (assets), pananagutan (liabilities), at kapital (stockholder's equity) ng isang bangko o kompanya sa isang partikular na panahon.Pormula ng Pagbabalanse ng Financial StatementAssets = Liabilities + Stockholder’s EquityHalimbawa, kung ang bangko ay may assets na ₱5 milyon, at may liabilities na ₱3 milyon, ibig sabihin ang natitirang ₱2 milyon ay pag-aari ng stockholders bilang equity.Ginagamit ang balance sheet upang makita kung solvent pa ang isang bangko—ibig sabihin, kung kaya pa nitong bayaran ang lahat ng utang nito gamit ang mga pag-aari nito. Napakahalaga ito para sa transparency at regulasyon.