Ang degrowth ay isang kilusan sa ekonomiks na nagsasabing hindi palaging pagtaas ng GDP ang sukatan ng progreso. Sa halip, dapat isaalang-alang ang kalidad ng buhay, kalikasan, at kalusugan ng lipunan.Halimbawa, kung isang bansa ay tumitigil sa sobrang produksyon ng coal upang protektahan ang kalikasan kahit bumaba ang GDP, ito ay hakbang sa degrowth.Sinusuportahan ito lalo na sa mga bansang sobra na ang konsumo, polusyon, at basura. Sa Pilipinas, maaari itong iugnay sa pagsuporta sa lokal, organikong agrikultura kaysa sa industriyalisadong pagsasaka na sumisira sa lupa.