Ang ethical consumerism ay ang responsableng paraan ng pamimili kung saan ang isang tao ay bumibili ng produkto o serbisyo na makatao, makakalikasan, at makatarungan.Halimbawa, kung pipili ka ng damit mula sa lokal na mananahi kaysa sa fast fashion brands na kilala sa child labor, ito ay ethical choice. Kung bumibili ka ng organic vegetables mula sa farmers’ market sa halip na imported goods, sinusuportahan mo ang lokal at sustainable na produksyon.Bilang mamimili, mahalaga ang ating papel sa pagpili kung anong produkto ang dapat suportahan, dahil bawat piso ay boto para sa uri ng mundo na gusto nating likhain.