Ang public debt ay ang kabuuang halaga ng utang ng pamahalaan mula sa loob at labas ng bansa. Ito ay ginagamit para sa proyekto, ayuda, o pambayad sa serbisyo publiko kapag kulang ang kita mula sa buwis.Halimbawa, umutang ang gobyerno ng ₱1 trilyon para sa Build Build Build projects tulad ng LRT, kalsada, at tulay. Kapaki-pakinabang ito kung ito ay nagdudulot ng mas produktibong ekonomiya.Pero kung hindi maayos ang paggamit ng pondo, lalaki ang interes na kailangang bayaran, at ang susunod na henerasyon—mga estudyante ngayon—ang papasan nito sa anyo ng mas mataas na buwis o mas kaunting serbisyong panlipunan.