Ang green taxation ay ang pagbubuwis sa mga produkto o aktibidad na nakakasira sa kalikasan—gaya ng paggamit ng plastic, diesel, o mga kemikal na nakalalason. Layunin nitong bawasan ang polusyon at hikayatin ang makakalikasang pamumuhay.Halimbawa, kung magpataw ng ₱5 buwis sa bawat plastic bag, maaaring piliin ng mamimili na gumamit na lang ng eco bag, paper bag, o magdala ng sarili nilang lalagyan ng pinamili. Sa ganitong paraan, nababawasan ang basura.Sa ibang bansa, ginagamit ang green taxes para pondohan ang renewable energy at forest rehabilitation. Sa Pilipinas, maaari rin itong gamitin upang suportahan ang mga lokal na proyekto sa clean energy at climate resilience.