Ang inflationary spiral ay ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga bilihin, sahod, at produksyon na nagpapalala sa inflation. Ito ay parang cycle: tumataas ang presyo, humihingi ng dagdag na sahod ang manggagawa, kaya tataas ang gastos ng negosyo at muling tataas ang presyo.Halimbawa, kung ang presyo ng bigas ay tumaas, maaaring humiling ang mga guro o janitor ng mas mataas na sahod. Dahil dito, tataas din ang tuition o bayad sa serbisyo. Kung hindi ito makontrol, tataas ng tataas ang presyo ng lahat ng bagay at bababa ang halaga ng pera.Sa Pilipinas, pinipigilan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pamamagitan ng interest rate adjustments at fiscal policies.