Ang cryptocurrency ay isang uri ng digital na pera na gumagamit ng teknolohiya gaya ng blockchain upang masiguro ang ligtas at decentralized na transaksyon. Hindi ito kontrolado ng bangko sentral o gobyerno, kaya’t iba ito sa pisikal na pera gaya ng piso o dolyar.Halimbawa, ang Bitcoin at Ethereum ay mga sikat na cryptocurrency. Sa Pilipinas, may mga OFW na gumagamit ng crypto apps tulad ng Coins.ph para magpadala ng pera dahil mas mabilis at mas mura ito kumpara sa remittance centers. Gayunpaman, dahil pabagu-bago ang halaga nito, ito ay itinuturing na mataas ang risk at hindi pa legal na itinuturing bilang opisyal na pambansang pera.Para mas maintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng blockchain na binanggit ko sa taas, pwede mong tignan ang paliwanag na narito: https://brainly.ph/question/32509349