Ang blockchain ay isang uri ng digital ledger o talaan ng transaksyon na naka-chain (sunod-sunod) at hindi madaling mabago. Ito ay transparent at decentralized, ibig sabihin, walang iisang tao o organisasyon ang may kontrol.Halimbawa, ginagamit ang blockchain sa cryptocurrency para sa ligtas na paglipat ng pera. Sa Pilipinas, nagsisimula na ring gamitin ang teknolohiyang ito para sa digital land titles, pagboto online, at supply chain ng mga produkto gaya ng kape mula Benguet.Ang malaking benepisyo ng blockchain ay ang transparency at security, ngunit nangangailangan ito ng tamang regulasyon at edukasyon para maiwasan ang pananamantala.Para mas maintindihan mo kung ano ang ibig sabihin ng cryptocurrency na binanggit ko sa taas, pwede mong tignan ang paliwanag na narito: https://brainly.ph/question/32509350