Ang public-private partnership ay isang kasunduan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor kung saan nagtutulungan sila sa paggawa ng mga proyektong pampubliko gaya ng daan, ospital, o paliparan.Halimbawa, ang NAIA Expressway ay itinayo sa ilalim ng PPP. Ang pribadong kumpanya ang nagtayo, at kumikita sila mula sa toll. Sa ganitong paraan, hindi na kailangang utangin agad ng gobyerno ang buong halaga ng proyekto.Ang PPP ay isang stratehiya para mapabilis ang development projects, pero kailangang masigurong transparent at hindi pinapaboran ang isang kumpanya lang.